Ang dokumentong ito ay bahagi ng “ITBS Smart Country Ecosystem” na gagamitin sa pagpapatupad ng programang “Balik Pinas, Balik Pampanga” ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pampanga, sa pakikipagugnayan at pakikipagtulungan sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) at mga kaugnay na Ahensya nito. Layunin ng Programa na tulungan ang mga Cabalen na nasa ibang bansa na ligtas at maginhawang makabalik (repatriate) sa Pampanga nang naayon sa mga alituntunin ng IATF at mga kaugnay na Ahensya nito.


Ang makokolektang impormasyon ay gagamitin lamang upang makilala ang mga Kapampangang magbabalik, maisagawa ang kaukulang COVID-19 RT-PCR Testing, pagbibigay ng kaukulang akomodasyon sa naitalagang quarantine facility, at sa pangkalahatang pangangalaga ng kalusugan at kapakanan ng mga magbabalik probinsya. Dahil dito, ang mga impormasyong makokolekta at ipoproseso ay ibabahagi sa mga kaukulang Ahensya, gaya ng Department of Health (DOH) para sa testing at pangangalaga ng mga natuklasang may positive results, Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth), para sa kaukulang Philhealth coverages, Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), para sa mga OFWs, at maaring sa iba pang Pambansang Ahensya nang naayon sa batas.


Ang mga impormasyong makokolekta at ipoproseso ay papanatilihing lihim at pribado, alinsunod sa batas at angkop na alituntuning may kaugnayan sa personal na datos o impormasyon. Hindi ito ibabahagi sa ibang tao o organisasyon nang walang pahintulot ng mga nagbigay ng personal na impormasyon, maliban sa mga Ahensyang nabanggit at nang naayon sa batas.

 

Ang mga sensitibong personal na impormasyon o data na makokolekta ay mananatili at itatago sa loob ng tatlong (3) taon o habang ang banta ng COVID-19 ay nakataas pa. Pagkatapos nito, ang mga datos ay maari lamang gamitin kapag natanggal na ang anumang datos o impormasyon na makakapagtukoy sa personal na pagkakakilanlan ng isang partikular na indibiduwal. Ang pagtanggal o pagbura ng mga personal na datos ay gagawin sa isang ligtas at maayos na paraan na naayon sa batas.

 

Ang mga kasali dito ay may karapatan ayon sa R.A. No. 10173 o ang “Data Privacy Act of 2012” at mga kaukulang alituntunin at regulasyon ayon dito.

 

Para sa inyong kaalaman, ang magiging “data collector” at “data processor” sa programang ito ay ang sumusunod:

 

Name of App Developer and Processor: ITBS INFORMATION TECHNOLOGY BUSINESS SOLUTIONS CORP

Address: 7a AEC Commercial Complex, Greenville Subd. O.G. Road, City of San Fernando,

Contact number: +63 926 743 3367

 

Para sa anumang katanungan o paglilinaw, paggamit ng kanilang mga karapatang nabanggit ay maaring makipag ugnayan sa mga sumusunod:

 

Atty. Jose Luis Rey S. Munsayac

Data Protection Officer

Provincial Government of Pampanga

Provincial Capitol, City of San Fernando, Pampanga

Email address: [email protected]

Mobile No. 09566682783

 

Melquiades P. Barin III

DRP, MTCNA, MTCTCE, CMIE, NSE

Data Protection Officer

ITBS Information Technology Business Solutions Corp

Email Address: [email protected]

Mobile No.: 09178163550

 

Ang aking pagsali sa programang ito at paglagay ng lagda (digital signature) ay pagkumpirma na aking nabasa ang nasa itaas at ito ay aking lubos na naintidihan. Ito rin ay kompirmasyon ng aking malayang pag sang-ayon at pahintulot sa pagkolekta at pag proseso ng aking mga personal na datos o impormasyon nang naaayon sa mga nabanggit sa itaas.

 

Akin ding sinusumpaan na ang mga datos o impormasyon na aking ibinigay, kagaya ng aking pagiging Kapampangan at residente ng anumang bayan ng Lalawigan ng Pampanga, ay wasto at pawang katotohanan lamang.